Sa botong pabor ng 245 mga kongresita ay pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng mababang kapulungan ang House Bill 6336 o New Agrarian Emancipation Act.
Layunin ng panukala na burahin ang utang ng nasa 654,000 na agrarian reform beneficiaries (ARB) sa amortization at interest ng kanilang lupain sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.
Itinatakda ng panukala na sasagutin ng gobyerno ang hindi pa nababayarang utang ng mga agrarian reform beneficiaries kasama ang interes at penalty at magiging exempted din mula sa estate tax.
Inaatasan ng panukala ang Department of Agrarian Reform (DAR) na magbigay ng Notice of Condonation na isasama sa Emancipation Patents at Certificates of Land Ownership Award.
Facebook Comments