Year-end bonus para sa mahihirap na lolo at lola, isinusulong sa Kamara

Bago sumapit ang araw ng pasko ay isinulong ni Quezon City Representative Patrick Michael Vargas na mabigyan ng additional year-end bonus ang mga indigent o mahihirap na senior citizens.

Nakapaloob ito sa inihain ni Vargas na House bill 6693 o “Paskong Maligaya para kay Lola at Lolo Bill.”

Benepisaryo ng panukala ang mga lolo at lola na kwalikado sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act at ang bagong pasang batas na Expanded Social Pension for Indigent Senior Citizens Act.


Nakapaloob sa panukala ni Vargas, na ang mga mahihirap senior citizens ay makatatanggap ng dagdag na ₱1,000 na ibibigay bago mag-December 25.

Bukod pa ito sa buwanan nilang allowance na ₱1,000 sa ilalim ng Social Pension for Indigent Seniors Program.

Diin ni Vargas, malaking tulong ang kaniyang panukala dahil maraming mahihirap na senior citizens ang naghahanap-buhay pa rin para sa kanilang pamilya.

Facebook Comments