Posibleng lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw (December 28) ang panukalang 4.506 trilyong pisong national budget para sa 2021.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nitong Biyernes natanggap ng Malakanyang ang kopya ng panukalang budget para sa susunod na taon.
Una nang tiniyak ng Malakanyang na bubusisiin nito ang panukala at gagamitin ng Pangulo ang kapangyarihan nito para i-veto ang ilang bahagi ng budget kung kinakailangan.
Ang Department of Education (DepEd) ang nakatanggap ng malaking alokasyon na nasa 708.2 billion pesos, kasunod ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na nasa 694.8 billion.
Facebook Comments