Panukalang Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport, inaprubahan ng apat na komite sa Kamara

Inaprubahan na ng apat na komite ng House of Representatives ang House Bill 8841 o panukalang Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Act.

Kabilang sa nag-endorso sa panukala ang House Committees on Appropriations, Ways and Means, Trade and Industry, at Economic Affairs.

Itinatakda ng panukala ang pagtatayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone and Freeport Authority o BACSEZFA na siyang mangangasiwa sa Bulacan ecozone.


P2 bilyong ang kapital na ilalagak dito na kukunin sa national government at sa mga lokal na pamahalaan na nakakasakop sa ecozone.

Binibigyan ng panukala ang pangulo ng bansa ng kapangyarihan na magtalaga ng administrator at miyembro ng BACSEZFA Board na mayroong anim na taong termino.

Facebook Comments