Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang House Bill 9710 o panukalang bawiin ang prangkisa ng Swara Sug Media Corporation na nag-o-operate sa ilalim ng business name na Sonshine Media Network International o SMNI.
284 na mga kongresista na bomoto pabor sa panukala, apat ang komontra at apat ang nag-abstain.
Ang panukala ay dumaan sa anim na pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises kung saan nakitaan umano ng paglabag ang SMNI sa probisyon ng prangkisa nito.
Kabilang dito ang paglabag sa Section 4 ng prangkisa nito dahil sa red tagging at umano’y pagpapakalat ng fake news gayundin ang paglabag sa sections 10, 11 at 12 patungkol sa change of ownership ng walang tamang reportorial requirement sa loob ng tatlong dekada
Ayon kay Committee Chairman at Parañaque Rep. Gus Tambunting, dadalhin ang panukala sa Senado para doon naman talakayin at aprubahan.