Panukalang buwisan ang digital economy, kinontra ni Senator Marcos

Kinontra ni Senate Committee on Economic Affairs Chairperson Senator Imee Marcos ang panukalang na buwisan ang online selling at serbisyo sa tinatawag na digital economy sa bansa.

Babala ni Marcos, magdudulot ito ng pagkaantala sa pagsulong ng edukasyon, tulong pangkalusugan, at paglikha ng negosyo at trabaho sa panahon ng COVID-19.

Iginiit ni Marcos na hindi tamang magpataw ng mga bagong buwis sa panahon ng krisis habang maraming naghahanap ng tulong, diskwento at palugit sa utang matapos mabawasan ng kita o mawalan ng trabaho.


Ayon kay Marcos, ipapasa lang ng mga negosyante ang halaga ng tax sa mga mamimili na karamihan ay mahirap lamang o middle-class.

Dagdag pa ni Marcos, sa halip na buwisan ay dapat siguraduhing kasama ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs), aktwal man o digital, sa paglaan ng limitadong pondo ng gobyerno na galing sa kasalukuyang mga buwis at pautang.

Facebook Comments