PANUKALANG DAGDAG ALLOWANCE PARA SA MGA SENIOR CITIZEN ASSOCIATION PRESIDENTS SA MANGALDAN, MULING INAPELA

Muling inapila sa Sangguniang Bayan ng Mangaldan na agad na umano sanang tugunan ang dagdag na transportation allowance para sa mga senior citizen association presidents.

Nasa isang libong piso sana ang taas o dagdag allowance na ipinapanawagang panukala.

Sa ngayon kasi Nasa limang daang piso ang kasalukuyang transportation allowance ng mga senior citizen presidents dito.

Nagkaroon naman ng consultative meeting sa pagitan ng Sangguniang Bayan at Federation of Senior Citizens Association of Mangaldan (FESCAM) kasama ang alkalde ng bayan upang igiit ang hinihiling na dagdag allowance.

Umaasa naman ang FESCAM na makakuha ng positibong tugon mula sa Sangguniang Bayan upang mabigyan rin ng tugon ang mga pangangailangan sa patuloy na tumataas na presyo ng mga pangunahing produkto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments