Panukalang dagdag bed capacity sa iba’t ibang ospital, lusot na sa Senado

Sa botong pabor ng 23 mga senador ay lumusot na sa Senado ang panukalang naglalayong ma-improve, ma-develop at ma-establish ang public hospital sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Pangunahing nakapaloob sa panukala na ini-akda at inisponsor ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapataas sa bed capacity ng 13 ospital sa iba’t ibang mga lalawigan at siyudad.

Diin ni Go, napakahalaga ng pagpasa sa nabangit na panukala na makatutulong sa pagpapabuti sa healthcare facilities ng bansa lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.


Binanggit ni Go na ilan sa mga ospital sa bansa ang umaabot nasa 400 percent ang occupancy rate kaya malaking tulong kung maitaas ang bed capacity ng mga ito.

Umaasa si Go na kapag inaprubahan na ng Bicameral Conference committee ang panukala ay agad itong malalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para mapondohan at maipatupad na sa susunod na taon.

Facebook Comments