Panukalang dagdag benepisyo para sa mga solo parent, lusot na sa huling pagbasa sa Kamara

Lusot na sa huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 8097 na nagpapanukala ng dagdag benepisyo para sa mga solo parent.

Sa oras na maisabatas ito, magkakaroon ng 10 percent discount at 12 percent value-added tax (VAT) exemption sa mga gatas at diaper ng mga batang tatlong taong gulang pababa, na anak ng kwalipikadong solo parent.

Habang mayroon ding diskwento sa damit, gamot, bakuna, medical at dental services ng mga batang anim na taong gulang pababa.


Pati ang mga gamit sa eskwela tulad ng libro at notebook ng mga anak ng kwalipikadong solo parent ay pwedeng diskwentuhan, hanggang sumapit ang anak ng bente uno anyos.

Ito ay kung kumikita ang solo parent ng P250,000 kada taon o kulang sa P21,000 kada buwan.

Iminamandato rin sa panukalang batas ang pitong araw na bayad na leave ng mga solo parent na nagserbisyo sa employer ng hindi bababa sa anim na buwan.

Sa ilalim pa ng House Bill 8097, dapat pagkalooban ng DepEd, CHED, at TESDA ng scholarship progam ang mga kwalipikadong solo parent, at full school scholarship ang isang anak nito.

Facebook Comments