Panukalang dagdag legislative district sa Caloocan at Bulacan, lusot na sa Senado

Lusot na ngayon sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang tatlong panukala na inisponsor ng Committee on Local Government na pinamumunuan ni Senator Francis Tolentino.

Kabilang dito ang panukalang hatiin sa dalawang legislative districts ang unang distrito ng Caloocan City na na magiging una at ikatlong distrito.

Inaprubahan na rin sa Senado ang panukalang nagtatakda ng anim na legislative districts para sa lalawigan ng Bulacan.


Bukod dito ay pasado na rin sa Senado ang panukalang lilikha sa lalawigan ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

Facebook Comments