Panukalang dagdag na P100 sa arawang sahod ng mga manggagawa at empleyado sa pribadong sektor, tinalakay na sa plenaryo ng Senado

Sinimulan nang talakayin sa plenaryo ang Senate Bill 2534 o ang dagdag na P100 sa arawang sahod ng minimum wage earners sa pribadong sektor.

Ito ay mula sa consolidation ng Senate Bill 2002 na inihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri at Senate Bill 2018 ni Senator Ramon Revilla Jr.

Sa sponsorship ni Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development Senator Jinggoy Estrada, sinabi ng senador na layunin ng panukalang dagdag-sahod na mapagkalooban ng kaluwagan ang pamumuhay ng mga tao sa gitna ng mataas na halaga ng pang-araw-araw na pamumuhay at magarantiyahan ang pagbibigay ng disenteng buhay para sa pamilya.


Saklaw ng P100 daily minimum wage increase na ito ang lahat ng mga manggagawa sa buong bansa, agriculture o non-agriculture man ito.

Aabot sa 4.2 million na mga minimum wage earners ang makikinabang kapag tuluyang naisabatas ang panukala.

Facebook Comments