Panukalang Dagdag-Pisong Pamasahe sa Tricycle, Aprobado Na!

Cauayan City, Isabela – Inaprobahan na kahapon sa konseho ng lungsod ng Cauayan ang panukalang dagdag-pisong pamasahe sa tricycle.

Ito ay matapos na sang-ayunan ng lahat ng Sangguniang Panlungsod Member ang 3rd. at final reading nito sa ginanap na pinakahuling sesyon sa city council.

Ngunit tumutol parin sa pagkakapasa ng panukala si SP Member Rene Uy kaugnay sa dagdag pamasahe sa tricycle dito sa lungsod ng Cauayan.


Paliwanag ni Hon. Uy na kahit mag-isa siyang tumutol sa naturang panukala ay maninindigan umano siya dahil sa holiday season na at bumaba na ang presyo ng gasolina sa ngayon kaya nararapat aniya na huwag itaas ang pamasahe sa traysikel.

Aniya, hindi umano maganda na basta na lamang sasang-ayon sa panukala dahil sa may rason naman umano na dapat ikonsidera.

Idinagdag pa ni SP Uy na kahit naipasa na sa City Council ang dagdag-pisong pamasahe sa tricycle ay nakadepende parin ito kay Cauayan City Mayor Bernard Dy kung ipapatupad ngayong holiday season o sa darating na taong 2019.

Magiging Php13.00 ang pamasahe sa traysikel sa Cauayan City kung sakaling aprobahan ito ng punong lungsod.

Matatandaan na ang panukalang Ordinance No. 2018-195 na may titulong An ordinance amending certain provision of tricycle ordinance No. 2015-072 dated November 06,2015, particulary Section 18 on Tricycle Fare in the City of Cauayan, Isabela ay sponsor ni Hon. Salcedo T. Foronda.

Facebook Comments