Panukalang death penalty, malaki ang posibilidad na mabuhay muli sa 18th Congress

Naniniwala si Senate President Tito Sotto III na malaki ang posibilidad na mabuhay muli ang panukala na ibalik ang death penalty lalo na kung para sa mga mapapatunayang sangkot sa high level drug trafficking.

 

Ayon kay Sotto ito ay dahil karamihan sa mga nakapasang kaalyado ng administrasyon sa katatapos na eleksyon ay sumusuporta sa death penalty.

 

Kabilang sa mga binanggit ni Sotto na inaasahang susuporta sa pagpapatupad muli ng parusang kamatayan ay sina Senators Cynthia Villar, Sonny Angara, Koko Pimentel.


 

Gayundin ang mga nangunguna sa bilangan ng boto na sina Pia Cayetano, Lito Lapid, Bong Revilla, Bong Go, Bato Dela Rosa, Francis Tolentino at Imee Marcos.

 

Bukod kay Sotto, pabor din sa death penalty sina Senators Manny Pacquiao at Win Gatchalian.

 

Sa kabila nito ay binigyang diin naman ni Sotto na dadaan pa rin sa matinding debate ang death penalty bill at wala pa ring katiyakan na makakapasa ito.

Facebook Comments