Panukalang Dissolution of Marriage, tinututulan ng simbahang katolika

Manila, Philippines – Para sa Simbahang Katolika, walang pinagkaiba sa divorce ang isinusulong na “Dissolution of Marriage” ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa interview ng RMN kay Archbishop-Emeritus Oscar Cruz – gaya ng diborsyo ay hindi rin papayagan ng simbahan ang Dissolution of Marriage.

Aniya, posibleng base sa sariling karanasan kaya ito naisipang ipanukala ni Alvarez sa Kamara.


Sa ilalim ng panukala, mas mabilis kaysa sa annulment ang pagpapawalang-bisa sa kasal dahil hindi na kailangan ng consent ng dalawang partido.

At kung maisasabatas, hindi aniya mananahimik ang simbahan sa pagsasalita sa mga bagay na alam nilang hindi tama.

Facebook Comments