Panukalang doblehin ang bilang ng “service incentive leave” ng mga empleyado, lusot na sa Kamara

Sa botong pabor ng 273 mga kongresista ay inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 988 o panukalang doblehin ang bilang ng “Service Incentive Leave” o SIL ng mga empleyado.

Aamyendahan ng panukala ang Presidential Decree 442 o ang Article 95 ng Labor Code of the Philippines.

Itinatakda ng panukala na mula sa limang araw ay gagawing sampung araw ang SIL kada taon ng mga kawani na 12 buwan na sa serbisyo.


Ayon kay Baguio Rep. Mark Go, isa sa mga nagsusulong ng panukala, ang mga leave o pansamantalang bakasyon sa trabaho ay mahalaga para sa “physical at mental health” ng mga empleyado.

Daan din ito para magkaroon ng pagkakataon ang mga empelyado na mapanatili ang “work life balance” o pagbalanse ng trabaho at personal na buhay.

Makakapagpalakas din ito sa “morale” ng mga empleyado na magreresulta sa kanilang pagiging higit na produktibo.

Facebook Comments