PBBM, biyaheng Thailand bukas para dumalo APEC Economic Leaders’ Meeting

Tutungo sa Bangkok Thailand bukas si Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ay para makiisa sa mga world leader sa gaganaping apat na araw na Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.

Ito ang unang pagkakataon na dadalo si Pangulong Marcos para sa APEC Economic Leaders’ Meeting.


Ito rin ang unang pagkakataon na gagawing in-person ang meeting ng leaders of the APEC economies simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic noong 2020.

Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tatalakayin ni Pangulong Marcos sa mga kapwa lider ang usapin tungkol sa food security, energy security at climate change mitigation.

Sa gaganaping summit, makikiisa si Pangulong Marcos sa iba’t ibang dialogues kasama ang mga world leader at magsasagawa rin ng bilateral talks sa ibang mga head of state na sidelines ng APEC Economic Leaders’ Meeting.

Facebook Comments