Panukalang Doktor Para sa Bayan Act, lusot na sa Senado

Pumasa na sa third and final reading ng Senado ang Senate Bill number 1520, matapos na 22 na mga Senador ang pumabor dito.

Layunin ng panukala na tugunan ang kakulangan ng mga doktor sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaloob ng schorlarship sa mga Pilipinong nais mag-aral ng medisina pero walang pantustos.

Nakapaloob sa panukala na sasagutin ng gobyerno ang lahat ng gastos ng isang kwalipikadong scholar mula sa tuition, miscellaneous fees, board and lodging, allowances, transportasyon, internship, medical board review at licensure fees.


Pag-aaralin sila sa mga state universities and colleges at kapag wala ito sa tinitirhang rehiyon ay pwede sa pribadong paaralan na sagot din ng pamahalaan.

Kaakibat ng panukala ang kondisyon na maglilingkod muna sa Pilipinas ang scholar kapag sila ay nakapagtapos at nakapasa na sa licensure exam , dahil kung hindi ay pababayaran sa kanila lahat ng ginastos ng pamahalaan.

Facebook Comments