Manila, Philippines – Tiniyak ni Cavite Representative Elpidio Barzaga na magiging pribado ang drug test sa mga kongresista sakaling boluntaryong magpa-test ang mga ito.
Sa House Resolution 512 na inihain ni Barzaga, hinihikayat ang mga kongresista na boluntaryong sumailalim sa drug test bilang suporta na rin sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.
Sakaling pumayag ang isang kongresista ay sinisigurong hindi ito makaka-attract ng atensyon sa publiko upang maprotektahan naman ang constitutional rights ng mga ito.
Ang voluntary submission ng mga miyembro ng Kamara sa drug test ay nagpapakita rin ng commitment at shared responsibility sa ehekutibo na labanan ang droga sa bansa.
Ito rin ay pagtitiyak na drug-free ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at consistent sa kanilang mandato na ang “public office is a public trust”.
Bukod dito, ito rin ay pagpapakita ng pagiging mabisa, epektibo, mataas na integridad at katapatan sa kanilang constituents at sa estado.