
Nilagdaan na ni Senate President Tito Sotto III ang panukalang magbibigay ng awtorisasyon o emergency powers kay Pangulong Bongbong Marcos para pansamantalang suspindihin o bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo.
Nauna na si Sotto na lumagda sa panukala habang hinihintay ang pagpirma naman dito ni House Speaker Bojie Dy.
Kapag nalagdaan na ng speaker, ang Kamara na aniya ang magtatransmit nito sa Opisina ng Pangulo para maisabatas.
Inaasahang malalagdaan din ito agad ni PBBM para maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng petrolyo na dulot naman ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Facebook Comments










