Panukalang extension ng Martial Law sa Mindanao ng hanggang limang taon, masyadong matagal ayon sa AFP

Marawi City – Iginiit ng Armed Forces of the Philippines na masyadong matagal ang limang taong pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao.

Ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, nagpapatuloy pa ang kanilang assessment sa gulo sa Marawi City.

Aniya, nakabatay kasi ang deklarasyon ng batas militar sa kung ano ang nangyayari sa grounds.


Dagdag pa ni Padilla, wala siyang ideya kung ano ang ginawang batayan para rito ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Una rito, nagrekomenda si Alvarez na i-extend ang implementasyon ng batas militar sa buong rehiyon ng Mindanao para tuluyan nang matapos ang problema sa terorismo.

Samantala, dumistansya naman ang palasyo sa panukala ni Alvarez.

Sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, opinyon lang naman ito ng House Speaker at si Pangulong Duterte pa rin ang magdedesisyon hinggil dito.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments