Panukalang federalism, patuloy na isusulong ng PDP-Laban

Patuloy na isusulong ng PDP-Laban ang panukalang federalism.

Ito ay sa kabila ng pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na ito papasa sa ilalim ng kanyang termino.

Ayon kay PDP-Laban President, Senator Koko Pimentel III – pursigido ang PDP-Laban na ipaalam sa tao ang benepisyo at tulong ng pederalismo.


Dagdag pa ni Pimentel – bukas ang ruling party sa Parliamentary Form of Government.

Handa rin silang amiyendahan ang konstitusyon para ayusin ang nationality requirement sa ilang aspeto ng ating ekonomiya.

Matatandaang isa sa prayoridad ng Duterte administration ang pagsusulong ng Federal Form of Government na para maramdaman ang economic development sa mga malalayong lugar ng bansa.

Inaprubahan na ng Kamara ang bersyon nito ng draft federal charter sa ikatlo at huling pagbasa pero ang counterpart nito sa Senado ay hindi pa.

Facebook Comments