Panukalang gawing 2 taon ang probationary period ng mga manggagawa, tinutulan ng Palasyo

Mariing tinututulan ng Malacañan ang panulakang pahabain ang probationary period mula sa anim na buwan patungong dalawang taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, suportado nila ang rekomendasyon ng Labor Department na i-veto ni Pangulong Duterte ang panukala kapag ipinasa ito ng Kongreso.

Aniya, aabusuhin lamang ito ng mga employer.


Una nang iginiit ng DOLE na ang magreresulta lamang ng maraming kaso ng Illegal Contractualization ang panukalang batas.

Ang panukala ay hindi nakalinya sa Security of Tenure Policy ng Administrasyong Duterte.

Facebook Comments