Mahigit 2 Libong Senior Citizen’s, Makikisa sa Elderly Week!

35

Cauayan City, Isabela- Tinatayang nasa mahigit dalawang (2) libong senior citizens ang inaasahang makikiisa sa pagdiriwang ng Elderly Week sa Lungsod ng Cauayan ngayong ika-28 ng Oktubre sa taong kasalukuyan.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay OSCA Officer Edgar Atienza, magsasagawa ng medical mission sa umaga habang sa hapon naman ay magkakaroon ng raffle draw bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang at upang magkaroon na rin ng karagdagang pondo ang nasabing tanggapan.


Ayon pa kay Ginoong Atienza, ilan sa mga suliranin ng mga matatanda ay ang pagkakaroon ng pensyon dahil hindi naman umano lahat ay nakasama sa programa ng DSWD.

Pinaalalahanan naman ni OSCA Officer Atienza ang ilang senior citizens na maghintay lamang para sa isasagawang ebalwasyon ng CSWD.

Dagdag pa ni Ginoong Atienza, nakakatanggap pa rin ng diskwento ang mga senior citizens sa pag-avail ng mga pangunahing pangangailangan ng mga ito at wala pa naman umanong natatanggap na reklamo ang kanyang opisina.

Facebook Comments

From Advertisers