Panukalang gawing krimen ang red-tagging, pinapasertipikahang urgent sa Pangulo

Umapela si Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang pagpasa sa inihain niyang Senate Bill number 2121.

Ito ay ang panukala na gawing krimen ang red-tagging at parusahan ang mga otoridad na masasangkot dito.

Ang hiling ni Drilon sa Pangulo ay makaraang sabihin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may kulang sa ating batas dahil sa ngayon ay hindi pa criminal offense ang red-tagging.


Pinuri ng senador ang paninindigan at pananaw ni Secretary Guevarra na dapat makapagpasa ang kongreso ng red-tagging law.

Aniya, kailangan itong maisabatas matigil na ang walang habas na pangre-red-tag kung saan pinakahuli biktima nito ay ang mga organizer ng community pantry.

Facebook Comments