Panukalang gawing mandatory ang work-from-home scheme kahit matapos na ang COVID-19 pandemic, pinaboran ng Malacañang!

Pinaboran ng Malakanyang ang isinusulong na batas ni Senador Imee Marcos na gawing mandatory ang work-from-home scheme kahit matapos na ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hinihikayat pa rin ng pamahalaan ang lahat na magtrabaho sa kanilang tahanan habang wala pang gamot sa nasabing sakit.

Matatandaang isinusulong ni Senadora Imee Marcos ang Senate Bill No. 1448 na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 11165 o Telecommuting Act na gawing mandatory ang work-from-home scheme kahit matapos na ang COVID-19 pandemic.


Naniniwala kasi ang senadora na hindi na maibabalik pa sa normal at magiging bahagi na ng buhay ng bawat Pilipino sa hinaharap ang pag-obserba sa social distancing at bagong hygiene standards.

Dagdag pa ni Senador Marcos, napatunayan na ang sitwasyon ngayon ay posible namang magampanan ng mga empleyado ang kanilang mga trabaho kahit naka work-from-home.

Facebook Comments