Kasunod ng pagdiriwang ng Valentine’s Day ay inihain ni Cagayan De Oro City Representative Lordan Suan ang House Bill 9931 o ang Heartbreak Recovery and Resilience Act para sa mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor.
Ang mga manggagawang 25 years old pababa ay pagkakalooban ng isang araw na unpaid heartbreak leave kada taon habang hanggang dalawang araw sa mga kawani na 25 hanggang 35 years old at hanggang tatlong araw na unpaid leave para sa mga 36 years old pataas.
Para maging kwalipikado sa heartbreak leave ay kailangang magsumite ang empleyado ng isang pirmadong statement na naglalahad galing ito sa breakup sa nakalipas na 30 araw.
Iniuutos ng panukala sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Civil Service Commission (CSC) na makipagtulungan sa mental health professionals para sa paglalatag ng programa sa mga opisina na nagtataguyod resource development at support measures para sa mga empleyadong sawi sa pag-ibig.
Diin ni Suan, base sa mga pag-aaral ang pagdanas ng break up ay may epekto sa mental well-being ng isang na maaaring mauwi sa mas mababang productivity sa trabaho, laging absent at nakakaranas ng emotional distress.