Panukalang i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, ihahain muli sa Kamara

Plano ni House Deputy Speaker at Batangas Representative Vilma Santos-Recto na bubuhayin niya ang nabasurang legislative franchise application ng ABS-CBN sa Kamara kasabay ng pagbabalik sesyon nito sa January 18.

Matatandaang naghain si Senate President Tito Sotto III ng panukalang bigyan ng legislative franchise ang ABS-CBN para makapag-operate ang broadcast network sa susunod na 25 taon.

Ayon kay Santos, welcome sa kanya ang panukala ni Sotto.


Tingin ni Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin na vice chairperson ng House Committee on Justice at miyembro ng legislative franchises panel – ang tanging paraan para muling buhayin sa Kamara ang lahat ng legislative franchise bill ng ABS-CBN ay ang muling pagtalakay nito sa plenary session.

Kailangang ipasa sa unang pagbasa ang panukala sa komite habang nasa plenary proceeding.

Sa ngayon, hindi pa maaprubahan ang legislative franchise bill ni Sotto dahil wala pa ang counterpart bill nito sa Kamara.

Facebook Comments