Panukalang ibaba ang age of criminal liability, sobrang "OA" – IBP

Manila, Philippines – Sobrang “OA” para sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang panukalang ibaba sa siyam na taong gulang ang age of criminal liability.

Ito ang reaksyon ng IBP matapos na maaprubahan sa committee level ng Kamara ang House Bill 505.

Sabi ni IBP Executive Vice President Atty. Domingo Cayosa – hindi pa alam ng mga batang edad siyam ang mga legal consequences ng kanyang mga ginagawa.


Mukhang hindi aniya pinakinggan ng komite ng Kamara ang pag-aaral at rekomendasyon ng mga child developmental experts, psychologists at sociologists bago inaprubahan ang panukala.

Dahil dito, hinikayat ni Cayosa ang Kongreso na amyendahan ang civil liability ng mga magulang na nagpapabaya sa kanilang mga anak at parusahan ang mga sindikatong gumagamit sa bata sa paggawa ng krimen.

Facebook Comments