Tsuper na na-checkpoint sa Cordon, Isabela, nasamsaman ng marijuana!

38

*Cordon, Isabela- *Arestado ang isang tricycle driver matapos masamsaman ng ipinagbabawal na gamot sa isang checkpoint pasado alas otso kagabi sa Brgy . Turod Sur, Cordon, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakilala ang naaresto na si Jose Nerio Tomboc, 51 anyos at residente ng Barangay Rosario, Santiago City.


Natiklo si Tomboc sa isinagawang Checkpoint ng PNP Cordon kung saan nakita mula sa match box ng traysikel nito ang mga tuyong dahon ng marijuana at inamin naman ng suspek na ginagamit niya ang nakitang marijuana.

Una nang umiwas sa checkpoint ang suspek subalit naharang din ng mga nakatalagang pulis.

Dinala na sa himpilan ng PNP Cordon ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments

From Advertisers