Inaprubahan na ng senate committee on public order ang panukala na ibaba sa 5 feet 2 inches ang kasalukuyang 5 feet 4 inches na minimum height requirement para sa mga lalaki na nais maging pulis, bumbero at bantay sa mga bilangguan.
Base sa panukala, ang height naman ng mga babae ay ibaba sa sa 5 feet mula sa kasalukuyang 5 feet 2 inches.
Ayon kay Committee Chairman Senator Ronald Bato Dela Rosa, layunin ng panukala na hindi mapagkaitan ng pagkakataon ang mga kapos sa height na makapasok sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Corrections (BC) at Bureau of Fire Protection (BFP).
Diin ni Dela Rosa ang nabanggit na panukala ay sinang-ayunan ng pamunuan ng PNP, BJMP at BFP.
Facebook Comments