Panukalang increase sa sin tax, maliit ang tsansang maipasa sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Sa tingin ni Senate President Tito Sotto III, maliit na ang pag-asa na maipasa sa susunod na linggo ang panukala na magtatas sa buwis na ipinapataw sa alak at sigarilyo.

Hanggang Wednesday o February 6 na lang ang session ng Kongreso para bigyang daan ang election period.

Sabi ni Sotto, maipagpapatuloy nila ang pagtalakay sa proposed sin tax increase sa muling pagbabalik ng session sa May 19 hanggang June 7.


Pahayag naman ni Dr. Tony Leachon ng sin tax coalition, mainam sanang maibatas agad ang dagdag buwis sa tobacco at alcohol products dahil pagkukunan ito ng pondo para sa implementasyon ng Universal Health Care Act.

Dagdag pa ni Leachon, isa sana itong magandang balita na maaring ipaloob sa magiging State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Paliwanag pa ni Leachon, ang panukala din ay naglalayong maisalba ang mamamayan laban sa mga sakit na dulot ng nabanggit na mga bisyo.

Facebook Comments