2 Drug Pusher, Timbog sa Magkahiwalay na Operasyon!

*Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang dalawang katao na kinabibilangan ng isang menor de edad sa magkahiwalay na Drug Buy Bust Operation sa Lalawigan ng Isabela.

Nakilala ang isa sa mga nahuli na si Elezar Pagalilauan, 19 anyos, binata, waiter, tubong Caggay, Tuguegarao City na nangungupahan sa Brgy. Nappaccu Grande, Reina Mercedes, Isabela.

Inaresto ng mga kasapi ng PNP Reina Mercedes si Pagalilauan matapos bentahan ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu ang poseur buyer kapalit ang isang libong pisong buy bust money.


Samantala, huli rin sa Drug Buy Bust Operation ng PNP Cauayan City ang disi syete anyos na studyante matapos magbenta ng isang folded paper na naglalaman ng tuyong marijuana sa halagang limang daang piso.

Nakuha pa mula sa pag-iingat ng suspek ang isa pang folded paper na naglalaman ng tuyong marijuana, isang unit ng cellphone, isang motorsiklo at ang P500.00 na buy bust money.

Hawak na ng mga otoridad ang dalawang naaresto na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments