Panukalang ipagbawal ang pag-withdraw ng mga kandidato para bigyan-daan ang substitution, inihain sa Senado

Pormal nang inihain sa Senado ang panukalang ipagbawal ang pag-withdraw ng mga kandidato upang bigyan-daan ang substitution.

Sa ilalim ng Senate Bill 2439, layon nitong amyendahan ang Omnibus Election Code kung saan orihinal na nakasaad na papayagan ang substitution kung namatay ang kandidato, na-disqualify, nag-withdraw o umatras.

Inihain ito nina Senators Sherwin Gatchalian, Juan Miguel Zubiri, Nancy Binay, Grace Poe, at Joel Villanueva.


Ayon sa mga senador, ang dalawang naung grounds ay involuntary in nature o hindi kontrolado.

Pero ang pangatlo ay voluntary kaya isinusulong nilang ipatanggal ang option na ito at idagdag na lamang ang in capacity o kawalan ng kakayanan bilang grounds ng substitution.

Matatandaang binibigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na magwithdraw at maaring palitan ng kapartido hanggang Nobyembre 15.

Facebook Comments