Posibleng sertipikahang bilang Urgent Bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang nagbabawal sa paggamit ng Single-Use Plastics sa bansa.
Layunin ng hakbang na ito na mabawasan ang impact ng Climate Change.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pabor ang Pangulo na ipagbawal ang paggamit ng mga plastik, na isa sa pangunahing nag-aambag ng polusyon.
Aniya, nasa kamay na ng Kongreso kung i-a-adopt ito.
Sinabi pa ni Panelo, dapat ipatupad ng maayos ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.
Nabatid na ang Pilipinas ang ikatlong bansa na may pinakamalaking ini-aambag na Plastic Pollution sa mundo.
Facebook Comments