Inaprubahan na ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang mga panukalang nagbabawal sa na substitution o palitan ang kandidato sa eleksyon na bumawi o umatras.
Target ng pinagsama-samang panukala na amyendahan ang section 77 ng Omnibus Election Code.
Umaasa si San Jose del Monte City Representative Rida Robes na maisabatas kaagad ang panukala upang matuldukan na ang tila panloloko sa taumbayan sa ginagawang substitution na walang makatwirang dahilan.
Sabi naman ni Quezon City 6th District Representative Marivic Co-Pilar, ginagawang katatawanan ang proseso ng certification of candidacy process sa pamamagitan ng pagpapalutang ng mga kandidato na ginagamit lang ng mga totoong may ambisyon o totoong plano sa eleksyon.
Facebook Comments