Magdudulot lamang ng mas malaking problema kung igigiit ang pagpapaliban ng halalan sa taong 2022.
Ito ang binigyan diin ni dating Commission on Elections Commissioner Atty. Gregorio “Goyo” Larrazabal matapos na ipanukala sa Kamara na ipagpaliban muna ang 2022 national elections dahil sa pandemya.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Larrazabal na ang tanging makakapagpaliban sa halalan ay ang pag-amyenda sa konstitusyon na nangangailangan ng plebisito.
Kapag ganito aniya ang mangyayari ay mas malaking problema ang idudulot sa taong bayan.
Maging si Vice President Leni Robredo ay wala ring nakikitang dahilan para hindi ituloy ang eleksyon sa 2022.
Sa programang biserbisyong Leni sa RMN, sinabi ni Robredo na kung ang ibang bansa ay kayang magsagawa ng halalan kahit may pandemya, marapat lang na ituloy din natin ang eleksyon.
Bukod dito, binigyang-diin ng pangalawang Pangulo na mismong ang COMELEC na ang nagsabing tuloy ang botohan dahil pinaghahandaan naman nila ang scenario sakaling may banta pa rin ng COVID-19 sa 2022.