Panukalang isama ang komprehesibong pag-aaral sa Philippine history noong World War II, lusot na sa 2nd reading ng Kamara

Nakatawid na sa ikalawang pagbasa ng Mababang Kapulungan ang panukala na isama sa higher education curriculum ang komprehensibong pag-aaral sa kasaysayan ng Pilipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ito ay ang House Bill 5719 na nag-aatas sa Commission on Higher Education (CHED), sa tulong ng Philippine Veterans Affairs Office-Department of National Defense, na gumawa ng programa upang maipatupad ang panukala.

Layunin nito na buhayin ang pagiging makabayan ng mga estudyante.


Hangad din ng panukala na mapanatili ang kuwento ukol sa mga sakripisyo at kabayanihan ng mga bayaning Pilipino noong panahon ng World War II.

Facebook Comments