ILANG PUTO VENDOR SA BAYAN NG CALASIAO, EXCITED NA SA MULING PAGBUBUKAS NG PUTO FESTIVAL SA DISYEMBRE

Puspusan na sa paghahanda ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Calasiao para sa muling pagbabalik ng Puto Calasiao ngayong taon.
Dahil sa dalawang taong pagkakaantala ng Puto Festival sa bayan dahil sa pandemya, magkakaroon muli ng launching sa naturang pagdiriwang.
Nakatakdang isagawa ang okasyon sa darating na Dec. 8 hanggang Dec. 14 kung saan tampok dito ang street dance at ang pamosong one town one product na puto.

Dahil papalapit na ang okasyon excited na ang mga tindera ng puto sa bayan.
Excited na umano sila na makabenta ng marami dahil tiyak na marami din ang dadayo sa lugar mula sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan dahil sa inihahandang mga Christmas displays sa bayan ng LGU. | ifmnews
Facebook Comments