Panukalang itaas ang retirement age ng mga pulis, dapat ipatupad lamang sa mga baguhan

Sinang-ayunan ni Philippine National Police Chief General Camilo Cascolan ang panukalang batas na itaas sa 60-anyos ang kasalukuyang 56-years old na retirement age para sa mga pulis.

Pero giit ni Cascolan, dapat ipatupad lang ito sa mga baguhang papasok sa PNP.

Sinabi ito ni Cascolan sa pagtalakay ng Senado sa proposed 2021 budget ng PNP na nagkakahalaga ng 190.5 billion pesos.


Ayon kay Cascolan, pag-aaralan nila ang panukala at hihingan din niya ng saloobin hinggil dito ang mga estudyante ng PNP Academy.

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, kailangang isulong ang pagtaas sa retirement age ng uniformed personnel dahil masyadong mabigat sa budget na mas malaki pa ang binabayad ng gobyerno sa retirement benefits kumpara sa pasweldo sa mga nasa aktibong serbisyo.

Facebook Comments