Panukalang itaas sa 16 anyos ang statutory age of rape, lusot na sa Senado

Sa botong pabor ng 22 mga senador ay Iusot na sa Senado ang Senate Bill number 2332 o ang panukalang batas na itaas sa 16 anyos mula sa kasalukuyang 12 anyos ang statutory age of rape.

Sa panukala ay ituturing na krimen ang statutory rape o pakikipagtalik sa babae at lalaki na 16 anyos pababa.

Layunin ng panukala na maprotektahan ang mga kabataan sa lahat ng uri ng sexual exploitation at mga pag-abuso.


Ayon kay Committee on Justice Chairman Senator Richard Gordon, inaamyendahan ng panukala ang kasalukuyang batas para bukod sa mga nakababatang babae ay kasama ring maprotekhan laban sa karahasang sekswal ang mga kabataang lalaki at may iba pang sexual preference.

Tinukoy rin ni Gordon na sa buong Asia ay Pilipinas ang may pinakamababang age of sexual consent.

Facebook Comments