Panukalang libreng matrikula sa mga State Universities at Colleges lusot na sa Senado

Manila, Philippines – Inaprubahan na sa senado ang ‘free higher education for all act’.
 
Sa botong 18-0, lusot na sa ikatlong pagbasa ang nasabing panukala kung saan magiging libre na ang pag-aaral dahil sa full tuition subsidy sa mga estudyante ng State Universities and Colleges (SUC).
                 
Ayon kay Senador Bam Aquino – prayoridad na maipasok ang mga mahihirap kung saan miscellaneous at ibang school fees na lamang ang pwedeng singilin ng paaralan.
 
Aabot sa 16 billion pesos ang target na budget para masubsidize ang 1.6 million na mga pampublikong kolehiyo at unibersidad.
 
Sinabi naman ng principal author ng panukala na si Sen. Ralph Recto – maaaring makapag-apply ang estudyante ng full tui­tion subsidy basta’t makakapasa sila sa ­admission requirement ng SUC.
 
 
Hindi rin ­kuwalipikado sa programa ang mga ­estudyanteng nakatapos ng Bachelor’s Degree o kahintulad na degree sa alinmang higher education institution at mga ­estudyanteng ­sinipa sa kanilang pinasukang ­eskuwelahan, maliban na lang kung hindi sila nakapagba­yad ng tuition fee at iba pang bayarin.
 
Hihintayin pa ito maipasa sa kamara bago ito, i-akyat sa bicameral committee.
 
Target na maisabatas ang nasabing panukala sa Hunyo.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

 

Facebook Comments