Sa botong pabor ng 251 mga kongresista at walang tumutol ay inaprubahan ng Kamara ang House Bill 6069 o panukalang Philippine Indigenous and Traditional Writing Systems Act.
Layunin ng panukalang mabigyan ng proteksyon at matiyak na hindi mababaon sa limot ang mga sinaunang sistema ng pagsusulat sa bansa.
Itinatakda ng panukala na isama sa mga subject sa basic at higher education ang pag-aaral sa traditional writing system ng bansa.
Nakasaad din sa panukala na magkaroon ng maayos na rekord ng mga dokumento at iba pang ebidensya hinggil dito ang kinauukulang ahensya ng gobyerno.
Inaatasan ng panukala ang Department of Education, Commission on Higher Education at mga Local Government Unit na palawigin ang kaalaman ng mga estudyante kaugnay ng sinaunang writing system lalo na kapag Buwan ng Wika at mga kaugnay na okasyon o kaganapan.
Base sa panukala, ang National Commission for Culture and the Arts ang mangunguna sa paglalatag ng policy guidelines para sa promosyon ng indigenous writing systems.