Panukalang amyenda sa “Batas Kasambahay”, lusot na third and final reading ng Kamara

Sa botong pabor ng 246 na mga kongresista ay lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 4477 o panukalang mag-aamyenda sa “Batas Kasambahay”.

 

Nang magbotohan ay wala ring mambabatas ang tumutol at nag-abstain sa naturang panukala na layuning tiyakin ang kaligtasan at seguridad hindi lamang ng mga kasambahay kundi ng kanilang employers.

 

Tugon ang panukala sa napapaulat na “modus” ng ilang kriminal na ipinapasok sa agency ang kanilang mga kasabwat upang gumawa ng krimen sa kanilang mga amo.


 

Sa ilalim ng panukala ay bibigyan ng mahigpit na responsibilidad at pananagutan ang Private Employment Agencies o PEAs kung may krimen na gagawin ang kasambahay na ipinasok nila ng trabaho.

 

Inaatasan ng panukala ang employment agencies na magsagawa ng masinsinang “identity, personal at family background” at siguraduhing walang criminal record ang aplikanteng kasambahay.

Facebook Comments