Manila, Philippines – Pinamamadali na ni House Committee on Justice Chairman Doy Leachon ang pagpapasa sa panukala na nagbaba sa edad ng criminal liability ng mga kabataan sa 15 taong gulang sa 9 na taong gulang.
Naniniwala si Leachon na napapanahon nang ibaba ang age of criminal liability sa mga kabataan dahil pabata na ng pabata ang mga kabataang nagagamit ng mga sindikato sa paggawa ng krimen.
Sa Lunes, January 21 ay isasalang ang panukala para sa first reading.
Ayon kay Leachon, dumaan muna ito sa masusing deliberasyon at konsultasyon mula sa mga stakeholders at mga experts sa loob ng siyam na buwan bago maisapinal ang panukala at isalang sa Committee level.
Tinitiyak sa ilalim ng panukala ang pagbibigay proteksyon sa mga kabataan at upang maiwasan na magamit ang mga ito sa paggawa ng krimen.
Umaasa si Leachon na agad ding maaaprubahan ang panukala bago matapos ang 17th Congress.