Panukalang magkaroon ng permanenteng evacuation center sa mga apektado ng mga kalamidad, suportado ng DepEd

Nagpahayag ng buong suporta ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa mga panukala na magkaroon ng permanenteng evacuation center sakaling magkaroon ng kalamidad sa bansa.

Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, nagpahayag ng buong pagsuporta sa mungkahi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo na magkaroon ng permanenteng evacuation center upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante dahil ginagamit ang kanilang mga paaralan bilang evacuation center.

Paliwanag ni Poa, bagama’t mayroong sinusunod na panuntuan ang DepEd sa pagsuspinde ng klase sa pamamagitan ng DepEd No. 37 kung saan ay may option ang mga guro kung ano ang dapat nilang gagawin habang suspendido ang klase.


Mahalaga pa rin umano na magkaroon na talaga ng permanenteng evacuation center upang hindi na maabala ang mga mag-aaral sa kanilang klase at nakatuon na lamang sa kanilang pag-aaral.

Giit ng DepEd na layon ng kagawaran na tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral na pumapasok sa klase kaya’t mahalaga ang pagbibigay ng tamang panuntunan sa pagsususpinde ng klase.

Facebook Comments