HIGIT 100 NA PASYENTE, TUMANGGAP NG GROCERY PACKS

29
Cauayan City, Isabela- Nagbigay ligaya sa nasa kabuuang 150 na mga pasyente ng Governor Faustino N. Dy Sr. Memorial Hospital ang natanggap na grocery at health kits nitong Huwebes, September 29, 2022.

Ang pamamahagi ng relief packs sa mga pasyente ng nabanggit na pagamutan ay mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela katuwang ang Children International Philippines Inc. sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Pinangunahan ang nabanggit na aktibidad ng PSWD Officer na si Ginang Lucila M. Ambatali; Assistant PSWDO Gina G. Rivero; GFNDy Chief of Hospital Dr. Arlene M. Lazaro; at iba pang personnel. Kaugnay ito ng selebrasyon ng National Family Week na may temang β€œTungo sa Maginhawa, Matatag at Panatag na Pamilyang Pilipino sa Panahon ng Pandemya”.

Layunin ng pagbibigay tulong na ipakita ang pagsuporta sa mga pamilyang IsabeleΓ±os sa gitna ng krisis dagdag pa ang pandemyang ating patuloy na kinakaharap.

Facebook Comments