Panukalang maglabas ng identification card para sa mga Muslim sa bansa, tinawag na isang uri ng diskriminasyon – paglaban ng pamahalaan sa islamophobia, pinatututukan!

Manila, Philippines – Isang uri ng “discrimination”, Ito ang sinabi nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Marawi crisis Management Committee Spokesperson Zia Alonto Adiong kaugnay sa plano ng mga opisyal ng pulis at sundalo sa gitnang Luzon na maglabas ng ID sa mahigit 26,000 Muslim sa rehiyon.

Ayon kay Lorenzana, dapat irekonsidera ang gagawing aksyon dahil sa posibleng negatibong epekto nito.

Habang sinabi naman ni Adiong na dapat labanan ng pamahalaan ang kaso ng “islamophobia” sa bansa.


Kamakailan, sinabi ng ilang opisyal na makakatulong ang id sa Muslim communities na makilala ang mga hinihinalang indibidwal.

Paliwanag naman ni Police Regional Office 3 Director Aaron Aquino, layon nitong protektahan ang mga sibilyan at ang gobyerno laban sa terorismo.

Facebook Comments