Panukalang magliligtas sa private schools sa mataas na buwis, pinapasertipikahang urgent sa Pangulo

Nananawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahang urgent ang panukalang magtutuwid sa basehan ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa pagpapataw ng 25 percent na income tax sa mga private education institution.

Ang tinutukoy ni Drilon ay ang Senate Bill 2272 at ang counterpart nito sa Kamara na magtatanggal sa pribadong paaralan sa kategoryang nakapaloob sa National Revenue Code na dapat patawan ng mataas na buwis.

Sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE Act ay ibinaba sa 1 percent ang 10 percent na buwis sa pribadong paaralan para matulungan ang mga ito ngayong may pandemya.


Pero ang BIR sa halip na ibaba sa 1 percent ay itinaas pa ito sa 25 percent.

Nagpasalamat naman si Drilon sa pagsuspinde rito ng BIR pero kaniyang iginiit na mahalagang maisabatas na ito upang matiyak na makakamit ang layunin na mapagaan ang epekto ng pandemya sa mga private education institution.

Facebook Comments