Panukalang Magna Carta of Seafarers, lusot na sa Kamara

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ang House Bill 7325 o Magna Carta of Seafarers na layuning protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga mandaragat na Pilipino.

304 na mga mambabatas ang bomoto pabor habang apat ang komontra sa nabanggit na panukalang tutugon sa mga problemang kinakaharap ng maritime higher educational institutions pagdating sa shipboard training ng kanilang mga kadete.

Daan din ito para makasunod ang Pilipinas sa itinatakda ng International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW Convention).


Sa ilalim ng panukala, sisiguruhin ang proteksyon ng seafarers tulad ng pagkakaroon ng proper work condition, pantay at patas na employment terms at sapat na career opportunity.

Magkakaroon sila ng standard employment contract na naglalaman ng terms and conditions ng employment na aprubado ng Department of Migrant Workers (DMW) at sumusunod sa probisyon ng 2006 Maritime Labor Convention.

Nakapaloob din sa panukala ang pagbibigay ng “green lane” o exemption pagdating sa anumang travel-related o health-related movement restrictions.

Facebook Comments