2 pang Hapones na sangkot sa ‘Luffy’ case sa Japan, arestado sa Parañaque City

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawa pang Japanese nationals na suspects sa ‘Luffy’ case sa Japan.

Kinilala ang mga naarestong Japanese nationals na sina Fujita Kari, 24 at Kumai Hitomi, 25.

Ang dalawang Hapones ay may warrants of arrest na pinalabas ng Tokyo Summary Court noong September 2022.


Una nang naaresto sa bansa ang kanilang lider na si Yuki Watanabe na naipa-deport na rin sa Japan noong February 8.

Facebook Comments